Kontrapelo
Lunes. Tatahakin ko na naman ang kahabaan ng Aguinaldo Highway patungo sa aking opisina sa QC. Tinangka ko na agahan ngunit tulad ng dati ako ay nabigo. Alam ko na dadatnan ko ang mahaba at nakaiinip na trapik sa Imus, Cavite kaya't ako ay naghanda. Nagdala ako ng mababasang libro at ang aking munting iPod. Swerte naman at ang nasakyan kong bus ay may TV na nagpapalabas ng mga pelikula.
Ngunit hindi ako naging handa na makatabi ang isang babae na di mapakali. Sumakay siya sa may Dasmarinas bitbit ang isang bag at columnar notebook. Sandali pa lang nahihinto ang bus dahil sa trapik ay eto na maririnig mo sa kanya, "Tsk, tsk!" sabay halimukos ng mukha. Pag medyo nagsawa na siya kauulit niyan, papalitan niya ng "Ano ba yan!" o kaya "Hay naku!" Yan at yan ang tatlong pangungusap na kanyang pinagsasalit-salit sa buong tatlumpung minutong usad pagong sa pagtahak namin sa daan. Halos magkapalit-palit na ang parte ng kanyang mukha kahahalimukos.
Siguro nga at may mahalaga siyang pakay sa Maynila na kailangan niyang makarating agad. Pero, Lunes eh. Kumbaga, pangkaraniwan na kung babagal-bagal ka sa pag-alis mula Cavite, ay tiyak tatanghaliin ka ng dating sa iyong patutunguhan.
Nang di ko na makayanan ang kanyang mga komento at sa kanyang nakatutulig na mga palatak, ay minabuti ko nang makinig na lang kay Nina sa aking iPod. Ngunit, sa ibang paraan naman niya pinakita ang kanyang pagkabalisa, kanya namang paulit-ulit na kinalampag ang sahig ng bus sa pamamagitan ng kanyang paa. Isang padyak ang pinakawalan ko sa sahig para pigilan siya. Konti na lang at malapit ko nang pagsabihan ang babaeng ito. Kapansin-pansin rin pagtaas ng mga kilay ng aming mga katabi tuwing nagpapasaring siya.
Tama ang kasabihan na, di mo gamay ang mga sitwasyon sa iyong buhay, pero kung paano ang iyong reaksyon sa mga bagay-bagay ay maaari mong kontrolin.
Kung tutuusin, maswerte kami dahil nakasakay kami sa aircon na bus, nakaupo, komportable at may TV na nagpapaaliw. Dahil kung lilingon lamang ang babaeng ito sa labas ng bintana, mapapansin niya ang pagkahaba-habang pila ng mga tao na nag-aabang ng masasakyan sa ilalim ng init ng araw.
Samakatuwid, ang aral mula sa kwento ay hindi gumising ng maaga para di mahuli at matrapik, kundi, ang magdala ng iPod pangontra sa mga nega na mga taong alikabok mag-isip. Nakasisira ng umaga ng mga taong tulad kong naghahabol sa daan! Ang aga-aga! Tsk…tsk…